Legend:
*Liam Xander Ayala                               *Felix Darren Jones 
*Ella Marie Zobel                                  *Randy De Vera
*Travis Carter Delos Reyes                     *Tasha Peninsula
*Janna Amante                                     *Others





Prologue
Sabi na nga ba. Walang kwenta na naman yung mga pinaplano ni Dad. Kay tagal ko siyang hinintay bumalik sa Pilipinas... only to discover na may balak siyang gawin sa buhay ko.

Pramis ko sa inyo, hindi maganda iyon.

Oo nga pala, ako si Liam Xander Ayala, ang nagiisang heir ng Ayala Corp. Nope, hindi ito yung mall. Simple pero magara ang business namin. I’m 18 years old pero nasa 3rd year parin ng High School. Ay, kailang beses na akong nagrepeat, eh.

About my looks...

Let’s just say na ako yung tipong habulin ng babae.

Hindi ako nagyayabang at lalong hindi ako nagsisinungaling. Lalabas nalang ako ng bahay, may mga nakatambay nang mga babae dyan, just to get a picture of me.

Kung iisipin niyong playboy ako, well, sorry to disappoint but no.

Wala akong interes sa mga babae. Heck, kinaiinisan ko nga silang lahat. Siguro maaga pa para malaman niyo kung bakit. Wala pang babae ang nakakakuha ng puso ko. Mas gusto kong tumandang binata kesa mangyari iyon.

Pero eto nga, umextra naman si Dad.

At alam mo ba kung ano ang sinabi niya?

“Son, I’ll find you a wife. End of conversation.” 

blog comments powered by Disqus
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola