Chapter Six
“Ba--ba’t ba kailangang gawin yun!?”

“Coz’ we’re engaged?”

Oo. Nagaaway na naman kami ng fiancee ko. As much as I hate it, dapat kaming magholding hands. Nasa deal kasi namin ng Dad ko na everytime we go on a date, maghoholding hands daw. Eh, eto namang si bruhilda eh u-uga uga pa.

Marahas kong kinuha ang kamay niya. Napatalon siya ng onti pero wala akong paki. Let’s just get this over with.

Pinasok ko na siya sa loob ng limo. Dun na ako sa front seat umupo. Ayoko ngang malapit sa kanya. Eek.

Nakarating kami sa favorite ice cream shop ni Felix. Simula pa dati, dito na kami kumakain, eh.

“Hindi ka ba bababa dyan?” tinanong ko kay Ella nung pinagbuksan ko siya ng pinto.

“Ah, eh... akala ko kasi sa 5-star restaurant tayo kakain,” she said sheepishly before going out.

“Aba’t naging choosy ka pa.”

“Shut up, okay? Tutal kayo namang mayayaman ang laging kumakain dun diba?” Magrereply sana ako ng bigla niya akong unahan pumasok sa loob ng shop. That girl... err. Mahilig ba talaga siya mambasag? Or is it in her nature? Ewan.

Pagpasok ko, nakita kong nakaupo na siya sa isang table with Felix and Janna. Felix and Janna both smiled at me nung nakita nila akong papalapit. Umupo ako sa tabi ni Ella, even if it kills me, at sinabing, “Felix, wala ka na bang maisip na mas magandang place para magdate?”

Felix shrugged. “Choosy mo, pre.”

“It’s not like I’m the choosy one.” I stole a quick glance at Ella. She didn’t look comfortable.

May dumating na waitress samin at hiningi mga orders namin. God, bakit siya pa? Did I tell you na this waitress here is always flirting with me? I can’t stand it. Kaya ayaw ko pumunta dito, eh.

“Cookie Dough,” sabi ni Felix.

“Vanilla,” sabi naman ni Janna.

“Sakin uhm... chocolate nalang. Small one, please.”

“Ang sakin--” I was cut off.

“--Strawberry, right?” the annoying waitress flashed a wink at me. “I know your favorite. I’ll be back.” Tss. Kainis talaga. Janna and Ella has these confused glances and Felix just shrugged.

“Why is she doing that?” tinanong sakin ni Janna, clearly disgusted.

“Oo nga,” sabi naman ng katabi ko. “Who is she?”

Hindi ko alam kung bakit pero nagkaroon ng smirk sa face ko. I faced Ella. “Why, jealous?”

Sinimangutan niya ako. “Orangutan ka talaga. Syempre hindi!” At tumingin nalang siya sa table.

What the... did she just called me an ‘orangutan’?! Etong gwapo kong pagmumukha, orangutan?! Isn’t she referring to herself? “Why, sweetie, I’m not a mirror,” I tossed back.

Hindi na siya nakasagot. Hah! I win.

Ang saya saya ko na sana ng biglang may sumipa sa paa ko sa ilalim ng table. “Aw!” I yelped. Napatingin tuloy lahat ng costumers sakin. I glared at Janna, kasi siya naman ang nasa tapat and clearly the suspect.

She rolled her eyes. “You didn’t answer my question.”

Kailangan ba? “Why? Jealous ka rin?”

Inirapan niya ako. “Shut up.” Pero may hint ng red sa mga mukha niya. Don’t tell me crush ako ni Janna. Err. I don’t want to get her hopes up. I still don’t like girls.

“So, you must be Ella. Liam’s babe?” Tinaas ni Felix and kamay niya para makipaghandshake.

Nakipaghandshake naman sa kanya si Ella. “I’m not his babe or anything. Alam niyo naman sigurong arranged lang ‘to. Ayaw ko diyan sa orangutan na yan.”

Ouch. May ego rin naman ako ‘no. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ‘to. Porket fiancee ko lang siya pwede na niya akong pagsalitaan ng ganyan? Pwedeng pwede ko siyang sampalin ngayundin. Pero cinompose ko nalang ang sarili ko.

“Whoa, hahaha. I think I’m going to like you, miss,” Felix winked. Hindi ko alam kung bakit pero uminit ang dugo ko dun. Subukan niya lang anuhin si Ella...

“Here are your orders.” Bumalik na naman yung nakakairitang waitress. Tumingin nalang ako sa iba. Nilagay na niya yung orders namin sa table, binigyan ako ng wink at sabay umalis.

“Ew,” I muttered.

Kumain kami ng tahimik. Sa totoo lang, first date ko ‘to. Wala pa akong nagiging girlfriend, eh. Ayoko nga.

“Cr lang ako.” Dumaan si Ella sakin papuntang cr. Anong gagawin nun? Tatae? Hehe.

“Ah, ako rin.” Tumayo naman si Janna para sundan si Ella. Ano yun, sabay silang tatae?

“Girls...” I muttered. Tumawa si Felix nung marinig niya ako.

“Ano kayang ginagawa nila dun?” Felix raised an eyebrow.

“Kung ano ano naiisip mo. Syempre ume-ebs.”

“Oo nga pala, dre. May basketball game kami tomorrow. I’ll see you there.”

Ay, pakshet. Nakalimutan ko yun ah? Basketball player kasi itong si Felix at MVP rin siya. Sosyal yan, eh.

“Mabo-bored lang ako dun,” I replied. Totoo naman, eh. Ang daming babae ang tatabi sakin ‘tas maiirita lang ako kesa makapanood ng game.

“Sama mo si Ella! Dude, she’s interesting.”

Binatukan ko siya. “Interesting ka dyan. Ang pangit pangit nun.” Totoo naman. Ba’t naman niya magugustuhan ang isang panget? Yuck.

“Sus. Mamaya in love ka na dun ah!”

“You wish.” Ako? Maiinlove dun? Oh, paliparin niyo muna yung mga baboy.

Maya maya bumalik na from their Ebak Adventures sila Janna at Ella. Nakasmile si Janna, na parang may naachieve siya oh ano. Si Ella naman, wala poker face. Problema nun?

“Uhm, Liam, uuwi na ako.” Bigla niyang sabi.

“Huh? Bakit naman? Aga pa ah.”

“Bahala ka. Basta ako uuwi na,” mataray nitong sagot. Hmp!

“Teka teka,” singit ni Felix. “You two live together?!”

Ano namang meron dun? Big deal? “Yeah,” sabi ko sa kanya.

“Uy, bro. Numinext level ka na ah!” He winked at me. Ugh, gross. Hindi ko maimagine ang sarili ko pati si Ella ng ganun. It’s just... gross. And no, I am NOT gay.

Namula si Ella pero hindi nakapagsalita. Inirapan ko nalang si Felix habang si Janna naman pinalo siya. “Stop teasing him, Felix.”

Tumayo na ako. “Sige, uwi na daw kami.”

“Teka...” sabat ni Ella. “Okay lang naman, Liam, eh. Ako nalang uuwi.”

“Tanga, nasa akin susi ng bahay. Sige, matulog ka sa labas?” I can tell na napahiya siya. Pinipigilan naman ng dalawa yung pagtawa nila. Kahit ayaw ko, hinawakan ko nalang yung kamay niya at hinatak siya papunta sa limo.

“A-Aray, Liam! Masakit!” pilit niyang inaalis ang kamay niya sa hawak ko. Ngunit di ko pinakawalan ‘to.

Pinakawalan ko nalang yun ng makapasok na kami sa limo.

Tinignan niya ako ng masama. “Ano bang problema mo?!”

“Wala.”

“Eh ba’t kailangan mo ‘kong hatakin?! Susmaryosep, Liam, ang sakit!” sigaw niya.

Ingay! “Shut up, will you. From now on, we’ll be going home together.”

“Wh-what?” Nauutal niyang tanong.

“Syempre I have the key. Stupid.” Ilan ba ang IQ nitong babaeng ‘to?

“Sabi ko nga.”

At wala ng nagsalita saamin sa biyahe.

                                                                      ~xx~

Grabe naman si Dad. Bigyan ba naman kami ng mansyon? Eh dadalawa lang naman kami? And get this, kahit ang laki ng mansyon, ay iisa lang ang kwarto! Seriously? Kailangan talagang ganun?

Nakita kong nagulat rin si Ella ng malaman na kailangan namin magshare ng room. Pero hindi na siya nagsalita. Wow, that’s so not like her. Normally susumbatan niya siguro ako at paniguradong papatulugin sa sahig.

“Hoy, dito ako matutulog sa sahig.” Ayaw ko ngang matabi sa kanya.

Di niya ako tinignan. “Suit yourself.” Galit parin siguro sakin. Tch. Yaan na.

Pero nangangambala rin ako. Malamig dito. Todo yung aircon ‘tas walang heater. Sa tingin ko, mamamatay muna ako ng dahil sa hypothermia bago pa ako gumising. Kinapa ko yung sahig. Malamig nga.

Napabuntong hininga ako sa sarili ko. Ano na nga bang gagawin ko?

“Liam.”

“Oh?” Halata ang pagkairita ko sa boses ko.

Tinignan niya ako ng masama. “Ba’t inis na inis ka na naman dyan?”

“Tss. Wala.”

“Okay? Uhm, sinabi rin ng dakila mong ama na dapat tayong gumawa ng homework. Pampataas ng grades daw.”

Yung matanda talaga na yun! Pahamak lang sa buhay! “Ikaw nalang. Tinatamad ako.”

Tuluyan na siyang pumasok sa bedroom. “Hoy, hoy. Anong tinatamad ang sinasabi mo dyan? Kunin mo na ang... let’s see...” Kinuha niya yung papel sa loob ng jeans pocket niya at binasa ito. “...Math notebook and your English textbook.”

“Oy oy,” tawag ko sa kanya. “Wala akong narinig tungkol sa mga assignments na yan, ah?”

She give me a look. “Aba’y syempre puro ka tulog at daldal dun sa Janna na yun!”

Di ko na muna siya pinansin at humiga ako sa kama. Hayy. Love bed ata ang tawag dito? Basta ang sarap higaan. Ang komportable. Ang sarap matulog.

At sa sumunod na segundo ay nakahiga na ako sa sahig.

“Aray! Ba’t mo naman ako hinulog?!” Hinawakan ko yung balakang ko sa likod.

She crossed her arms on her chest. “Kasi po, Mr. Ayala, gagawa po tayo ng homework. Hindi matutulog. Okay?”

“Sus. Mr. Ayala ka pa dyan. Magiging Mrs. Ayala ka naman na, eh,” sabi ko habang kinukuha yung kung ano mang assignment na sinabi niya kanina.

Hindi siya nagsalita. I find it weird pero hindi na rin ako nagstrike ng conversation. Pagkalingon ko, wala na siya. Ang galing talaga ng babae na yun.

Sinunod ko na lang siya at pumunta sa living room. Nandun na nga siya, nakaindian sit sa sahig at nagsusulat sa isang pad na nakapatong naman sa table. I sat across from her.

Ilang segundo pa ng katahimikan ay binato ko yung English textbook ko sa kanya.

She winced. “Aray! Ano ba, Liam!”

“Eh, ikaw magyaya sakin na maghomework kuno eh hindi mo naman ako kinakausap.”

Napahawak siya sa braso niya, kung san ko siya natamaan, at inirapan ako. Ayan na naman. Irap na naman. Walang katapusan. “Uso naman kasing gumawa ng sariling homework?”

“Tulungan mo na ako. Wala akong kaalam alam dyan. Tsaka pa’no mo nalaman na may Math homework tayo? Di naman tayo magkaklase dun.”

“Well, we do have the same teacher.” Yung tono niya, kulang nalang dadagdagan niya ng ‘DUH’. Ginagawa ata akong bobo ng babaeng ‘to.

Okay, ako na nga lang gagawa ng sarili ko.

Uh, sige, number 1...

Hmmm... kelan ‘to diniscuss? Di ko naalala ah?

Tumingin ako ng onti sa notebook ni Ella. Nasa number 16 na siya. Daya.

“Pst. Pakopya.”

Hindi siya tumingin sakin. Aba.

“Oy. Bingi ka ba?”

“Gumawa ka ng sarili mo,” she replied.

Hayy. This is going to be a loooong night... 

HTML Comment Box is loading comments...
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola