Chapter Four

As usual, boring na naman ang klase. Lalo na nung Chemistry.  Pamemorize daw samin yung Periodic Table. Nako, Miss, sa ilang taon ko na dito, sa tingin niyo di ko pa memorize yan? Buti nalang at may meeting yung teacher namin kaya maaga niya kaming dinismiss.

May last period pa, English. Dito kasi sa school namin, kami ang lumilipat at bawat period iba iba kaklase namin. Buti nalang wala akong klase kasama sina Janna o si ‘Okay’ girl.

Pero I spoke too soon. As soon as pumasok na ako sa English room, nakita kong nakaupo sa pinakadulo si Janna, alone. Tapos si ‘Okay’ girl naman nasa gitna, talking to Tasha Peninsula. Kung gano ka girly ang name niya, ganun siya katomboy.

Wala ng vacant seat kundi sa tabi ni Janna. No choice.

Nilaglag ko yung bag ko sa tabi at umupo. I can feel na lahat sila tumitingin sakin.

“Hi, Liam.” There goes Janna with her smile again.

“Yeah,” I nodded. Boring rin siguro yung English kaya natulog na lang ako.

                                                                ~xx~

“Mr. Ayala?” I must be hearing things. Ang sarap sarap ng tulog ko plus nanaginip pa ako na binilhan ako ni Dad ng bagong kotse. Go back to sleep, Liam.

“Mr. Ayala!” I sat bolt upright ng marinig na yung English teacher pala yung tumatawag sakin.

“Yeah?” I groggily asked.

“Why were you sleeping in my class?!”

Eh kung bigyan niya nalang kaya ako kaagad ng detention kesa magdadadakdak siya diyan? Dun rin naman hahantung eh.

“Mr. Ayala, I’m waiting...”

“Wait, Miss.” Napatingin ako sa right side ko nang nagsalita si Janna. “You see, may pinagawa akong errands sa kanya and after that, he was exhausted. This is all my fault.”

I gaped at her in disbelief. Ba’t siya nagsisinungaling?

“Very well. You best not do that again, Ms. Amante. Mr. Ayala is not your errand boy.”

Can you believe it? Nakaligtas ako from detention! And it was all thanks to Janna.

“Thanks,” I mouthed.

She just smiled.

“Be my errand boy too, Liam, honey!” sigaw ng isang babae.

“Nope, he’s gonna be my slave!” sigaw ng katabi niya.

“You girls... Liam is mine!” extra nung babae sa harap.

“Quiet, all of you!” sigaw ni English teacher. Thank you, Ma’am.

Pagkatingin ko, nakairap sakin si ‘Okay’ girl. Hala? Anong ginawa ko sa kanya? Feelingera na nga epal pa. San ka pa?

Pagkatapos magdiscuss ng kaechosan, dinismiss niya na rin kami. Great. I’m finally going to meet my wife. Sana naman maganda ganda naman mapili ni Dad. What am I saying... I don’t care is she’s pretty or what. I’m gonna file a divorce after a year.

*Crash!*

“Ah, shoot! Watch were you’re going!” Bumalik na naman ang pagkabadtrip ko ng malaman na si ‘Okay’ girl ang nakabangga sakin. Nalaglag lahat ng books niya. Ba’t ba kasi ang dami niyang dalang libro?! First day palang niya, ah...

“Tignan mo naman kung anong ginawa mo!” sigaw niya habang nakatingin sa mga libro niya.

“Oh ano naman?” I said coldly.

“Pick it up!”

Ano daw? Did I misunderstand what she said?

“What?”

“Bingi ka ba? I said pick it up!”

*Beep! Beep!*

Nandyan na yung limo with Dad and probably some girl who’s gonna be my wife. Nakakairita. Ba’t ba kasi ngayon pa nangyari ‘to, oh.

Teka...

If Dad sees me doing good things, baka magbago isip niya!

Smiling to myself, pinick up ko yung books niya at binigay yun sa kanya. Kairita. “Hmf.” Yan pa ang sabi niya. Wala man lang thank you? Sapatusin ko siya, eh.

Pumasok na ako sa limo. I saw Dad smiling at me.

“Ba’t ka nakangiti dyan?” tanong ko.

“Oh, nothing, my dear son.” Padala ko kaya sa mental ‘tong tatay ko.

I looked around pero there was no sign of a girl around. Di kaya?! Kung ganun, edi maganda! Wala na akong pasakit pa!

“Where’s my ‘wife’ pala?” I asked smugly.

My mood turned for the worst when he answered, “Oh, you’ll meet her later.”

                                                          ~xx~

Maybe I could talk some sense into her. Ayaw na ayaw ko pa talagang magkaasawa. Nakakabwisit. Akala ko pa naman magiiba na isip niya o ano. Tss. Nadelay lang pala.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon, doing nothing. Hinihintay ko nalang na tawagin ako para makilala ko kung sino nga ang magiging pasakit sakin ng isang taon.

May kumatok sa pinto. “Sir Liam?” Si Manang Rosay lang pala.

“Mhm?”

“Pinapatawag po kayo ng Dad niyo.”

Eto na. The moment of truth. “Sige, punta na’ko.” Lumayas na ako sa kwarto o at dumiretso sa office ng Dad ko. Dito daw kasi ako dapat pumupunta everytime na pinapatawag niya ako.

Pagkabukas ko ng pinto, nandun na nga si Dad, nakaupo at isang girl na nakatayo at nakatalikod sakin. Here goes nothing.

“Hey.”

Humarap na yung girl sakin.

“I--Ikaw?!”
HTML Comment Box is loading comments...
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola