Chapter Two

“Yam, baby, take care of yourself, okay?” Sabi nung babae habang cinacaress ang ulo ng 6-year old na ako.

Hindi ko alam kung bakit pero tumutulo ang luha ko.

Masakit. Parang may sumasaksak sa dibdib ko.

“Please, wag kang umalis!” Masakit ang lalamunan ko dahil sa kakaiyak.

Tinignan ako ng babae, and then she gently shook her head. Lalo akong napaiyak.

“Sir Liam, gising na po kayo.”

And slowly, nawala yung paningin ko.

Naging blurry ang paningin ko pagkatapos nun. After ng ilang segundo, naging malinaw ito at nakita ko si Manang Rosay. “Sir Liam, maligo na po kayo.”

Tinry kong umupo sa kama.

Ouch! Tang*na. Tanga ko talaga. As always, ang lala na naman ng hangover ko.

God must really hate me.

That’s why He took her away from me.

“Sir Liam?” Nagbalik na naman ang pagiisip ko ng makita ko ang worried look sa pagmumukha ng personal maid ko na si Manang Rosay. Kilalang kilala na niya ako. Parang siya na rin yung second mother ko. Isa siya sa mga natitiis kong mga babae.

“P-pain killers...” Minassage ko yung temple ko with my index and middle finger. Shit, sakit talaga. Just how much did I drink last night?

“Eto na po, Sir.” Iniabot niya sakin yung painkillers tsaka tubig.

Tumingin ako kay Manang Rosay. “Please, wag mo sabihin kay Dad ‘to, Manang.”

“Uh, sir... siya po kasi ang unang nakakita sa inyo paguwi niyo po eh...”

“Oh, shit.” Patay. Baka may plano na namang punishment si Dad. The wife issue was enough.

Ininom ko na yung mga hawak ko. “Ge, maliligo na ako.” I reek of alcohol already. Second week na ng High School. Oo, kakastart lang ng school year. Kabagot nga, eh. Baka magrepeat na naman ako. Katamad magaral.

Naligo ako ng ilang minutes tas nagbihis ng uniform. Ang corny nung school namin nagu-uniform pa. Di bale, Pilipinas, eh.

Nagpunta na ako sa garage para umalis na gamit ang kotse ko. Ano na kayang nangyari kay Felix? Nahuli kaya yun? Haha. Now that’s what I call fun.

“Bro, alis ka na?” Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Randy, ang gangster kong relative. Sinasabi kong relative dahil anak siya ng babae na naging affair ng lalaki na pinsan ng babae who is pinsan rin ng Dad ko. Ewan. Bigla nalang sumulpot sa bahay at sinasabing relative namin siya. Cool lang naman sakin basta umiwas siya sakin.

Si Randy kasi... isa ring habulin ng babae.

Kaya, you know what that means.

Pagnakipaginteract ako sa kanya, dodoble yung mga fan girls.

And yes, it’s a bad thing.

“Oo.” Dinalian ko na lang pumasok sa kotse para makaiwas.

Nakarating na ko sa school ng mga 8:05. Damn. 5 minutes late. Lagot ako kay Sir What’s-his-name na naman nito. Yung class adviser namin na mahilig akong i-detention.

Kaya instead na pumasok sa first period, pumunta nalang ako sa Principal’s Office. Pagpasok ko, nakita ko yung secretary ni Principal Cabrera na si Miss Judy. Kausap niya yung isang babae na nakaupo sa harap niya.

“Uh, Miss Judy?” tawag ko.

“Just a minute, Mr. Ayala.” She held her hand to shut me up at she went back on talking to the girl.

No choice. Umupo ako sa tapat nung babae. Medyo may pagkagirly na malalim yung boses niya. Let’s see... mahabang black na buhok, maputi and okay lang naman yung features niya. Di siya kagandahan pero di rin kapangitan.

“Um, Miss Judy?” Narinig ko ang boses niya. “Can you stop this guy from checking me out? It’s creepy.”

Muntik ng bumagsak yung panga ko sa floor. Me? Checking her out? The hell? Ano siya, chicks?!

“Hey--” I was cut off.

“--Op op op! Mr. Ayala, please, just shut up for a minute?” Hineld up na naman ni Miss Judy yung hand niya to make me silent.

Nagsmirk yung girl. What a bitch. Lumaki na yung ulo niya ganon? Porket tinitignan ko lang siya? Pangit niya ‘no.

Finally after ten years natapos rin sila magusap. “Ms. Zobel, here’s your schedule. Have a nice day.” Binigyan ni Miss Judy yung girl ng award-winning smile niya. So, new student pala huh?

The girl just smiled back. Pero I can tell it was fake. Ugh, plastik.

“And yes, Mr. Ayala?” Tumugon sakin si Miss Judy.

I looked at my wristwatch. Magbe-break na rin. I got up at umalis na lang, not saying a word. Wala. Badtrip na ako. Dahil lang dun sa new student na yun.


“Pare!” Biglang may bumatok sa likod ko.

“Aray!” Napakunot ako ng ulo. Felix. “Anong trip mo ‘pre?”

“Oy, ako nga dapat ang nagtatanong sayo niyan. Gagsti ka. Muntik na akong masampal ng nanay ko. Kulang pa nga yan eh.”

“Eh, sa badtrip ako.” Sobrang badtrip na hindi ako matawa sa nangyari kay Felix.

“Wala ka, ‘pre.” Inakbayan ako ni Felix at nilakad ako papunta sa mga lockers. “Chicks yung bagong student!”

“Teka, teka,” inalis ko yung kamay niya. “Yung babae na ba yan ay maputi plus may black na buhok?”

“Kita mo na siya?!” Sinampal ni Felix ang likod niya. “Nice, bro! Umiimprove ka na.”

Pinigilan ko lang talagang hindi suntukin ngayon si Felix. Alam na ngang badtrip, eh. “Lul mo. Pangit naman nun. Kita ko na.”

“Wala kang taste, dude. Ganda niya kaya.”

Baka ibang babae naman yung sinasabi ni Felix. Imposibleng idefine niyang maganda yung bwisit na babae kanina. Okay, aaminin kong di nga siya pangit pero di rin siya maganda! At sa pagkakaalam ko, mataas ang standards nitong si Felix.

Nagtataka ako ng biglang may kumalabit sa likod ko. 

HTML Comment Box is loading comments...
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola